Lalaking kasapi ng MILF nahulihan ng illegal na armas sa DOS Maguindanao

Isa umanong kasapi ng Moro Islamic Liberation Front o MILF ang hinuli dahil sa pagdadala ng illegal na baril at mga bala sa bayan ng Datu Odin Sinsuat(DOS), sa lalawigan ng Maguidanao kahapon ng umaga. Kiniala ang inaresto na si Pilot Panambulan , 34 anyos at nakatira sa Barangay Bugawas, sa DOS, . Nagsasagawa ng pagpapatrolya ang mga elemento ng DOS Pnp sa bahagi ng Barangay Poblacion Dalican ng mamataan nila si Panambulan na sakay ng motorsiklo pasado alas onse ng umaga kahapon. . Sa ginawang inspeksyon at pagsisiyasat ng mga pulis ay nakita ang isang improvised 12 gauge shotgun at limang mga bala. Maayos namang sumama ang suspect sa mga otoridad na ngayon ay nasa kustodiya ng DOS Pnp.(AGS)

Facebook Comments