Lalaking lasing at Arogante sa Santiago City, Bagsak sa Kulungan!

Santiago City – Bagsak sa kulungan ang isang lalaki na lasing matapos na naging arogante sa mga pulis ng Santiago Police Station 1.

Ayon kay Police Chief Inspector Rolando Gatan, hepe ng Santiago Police Station 1, sinabi niya na unang itinawag sa kanilang himpilan ang umanoy reklamo hinggil sa Violence Against Women and Children sa Purok 1, Buenavista, Santiago City.

Aniya sa pagresponde ng kanyang mga tauhan ay inaresto ang suspek na kinilalang si Eugene Chosing Macabeo, dalawampu’t isang taong gulang, binata at residente ng nasabing lugar.


Nasa impluwensya ng nakakalasing na alak ang suspek at tinutulak ang mga pulis ngunit nagawa parin ng mga ito na dalhin ang suspek sa himpilan ng pulisya.

Sinabi pa ni Police Chief Inspector Gatan na habang nasa loob ng himpilan ng PNP Santiago si Macabeo ay nagsisigaw at nagbitaw ng masamang salita laban sa mga pulis.

Dahil dito ay mahaharap sa reklamong Obstruction of Justice, Resistance and Disobedience to an agent of person in Authority at Assault upon Agent of person in Authority.

Facebook Comments