Lalaking Lasing at Nagwala sa Reina Mercedez, Binaril!

Reina Mercedes, Isabela – Binaril sa mukha kahapon ang isang lalaki makaraang magwala dahil sa kalasingan sa Brgy. Napaccu Pequeno, Reina Mercedes, Isabela partikular sa loob ng Irene Grain Center (IGC) compound.

Sa ibinahaging impormasyon ng PNP Reina Mercedes, kinilala ang biktima na si Jonsen Lazaro, nasa tamang edad, isang drayber at residente ng Turod, Reina Mercedes, Isabela samantala ang suspek ay si Erick Julito, limampung taong gulang, may asawa, supervisor ng IGC at residente ng San Miguel, Isabela.

Sa inisyal na imbestigasyon, lasing umano si Lazaro kasama ang dalawang kaibigan nito nang nagpumilit na pumasok sa loob ng IGC compound kung saan ay kanilang sinusuntok at binabato ang sinumang nagpapatigil sa kanilang ginagawa.


Sa aktong umawat na ang suspek sa tatlo ay sinuntok at pinagbabato nila si Julito, na naging dahilan naman ng nito na barilin si lazaro.

Itinakbo sa Garcia Hospital sa Cauayan City si Lazaro para sa kaukulang lunas at nakuha sa pinangyarihan ng pamamaril ang isang basyo ng bala ng caliber 45.

Nasa himpilan na ng PNP Reina Mercedes si Julito para sa karagdagang imbestigasyon at disposisyon.

Facebook Comments