LALAKING LASING NA TUMATAWID SA KALSADA, NABUNDOL NG VAN; PATAY!

CAUAYAN CITY- Hindi na nakaligtas ang isang lalaki matapos mabangga ng van habang tumatawid ito sa kahabaan ng Brgy. San Antonino, Burgos, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa PNP Burgos, ang biktima ay lango sa alak matapos manggaling sa inuman ng tawirin nya ang kalsada.

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, binagbatas ng biktima ang daan mula kaliwa patungo sa kanan na bahagi ng daan samantalang ang van naman ay binabagtas ang kanang direksyon.


Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, aksidenteng nabangga ng van ang biktima dahilan upang magtamo ito ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na agaran namang dinala sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay.

Samantala, nagkaroon na ng pag-uusap sa pagitan ng drayber ng van at pamilya ng biktima hinggil sa nangyaring insidente.

Facebook Comments