Lalaking Lulan ng Motorsiklo, Sugatan Matapos Makabangga ng Isang Vulcanizing Crew!

Gamu, Isabela- Sugatan ang isang lalaking drayber ng motorsiklo matapos nitong mabangga ang isang papatawid na vulcanizing crew sa Brgy. Upi Gamu, Isabela.

Kinilala ang nabangga na si Oliver Macapulay, 24 anyos, walang asawa, vulcanizing crew at residente naman ng Brgy.Linglinagay, Gamu, Isabela habang ang sugatang drayber naman ng motorsiklo ay kinilalang si John Rey Lagua, 30 anyos at residente naman ng brgy. Furao, Gamu, Isabela.

Sa impormasyong natanggap ng RMN Cauayan, galing umano ng Cauayan City si Lagua at bumabaybay patungong Gamu Isabela ng marating nito ang lugar na pinangyarihan ng insidente habang akma din umanong tatawid si Macapulay ng siya namang dahilan ng pagkakaaksidenteng mabangga ito ng suspek.


Dahil sa pagkakabangga ng drayber ng motorsiklo kay Macapulay ay natumba ito kaya’t parehong nagtamo ng sugat sa katawan ang dalawa.

Agad din naman silang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan para sa kaukulang lunas habang dinala naman ang naturang motorsiklo sa himpilan ng PNP Gamu para sa karagdagang imbestigasyon.

Facebook Comments