TINANGGIHAN | Rihanna – tumangging mag-perform sa 2019 Superbowl halftime show

Tumanggi ang grammy award winning singer na si Rihanna na mag-perform sa 2019 Superbowl Halftime Show.

Ito ay bilang pagbibigay ng simpatiya ng singer sa mga nagpo-protestang NFL players.

Ayon sa source ng US Weekly, gusto ng NFL at CBS na maging headliner ng halftime show si Rihanna pero tumanggi ito dahil sa ‘kneeling controversy’ kung saan ipinagbawal ang pagluhod sa field sa kagsagsagan ng pagkanta ng national anthem ng US.


Hindi raw pabor ang singer, sa naging stand ng NFL players.

Samantala, nakatakadang mag-peperform ang bandang Maroon 5 na pinangungunahan ni Adam Levine sa halftime show sa darating na February 3 sa Atlanta, Georgia, USA.

Facebook Comments