Lalaking may 3 Counts na Paglabag sa RA 7610, Kalaboso!

24

*Jones, Isabela-* Bagsak na sa kulungan ang isang magsasaka na nahaharap sa kasong 3 counts na paglabag sa RA 7610 o Anti-Child Abuse Act sa Brgy. Usol, Jones, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Pedro Reyes, 47 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Usol, Jones, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, hinuli si Reyes sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio T. Ong ng RTC Br 24, Echague, Isabela dahil sa kasong 3 counts na paglabag sa Anti-Child Abuse Act.

Nasa pangangalaga na ng Jones Police Station ang akusado at pansamantalang makakalaya kung makakapagpiyansa ng halagang P200,000.00 sa bawat kaso nito.

Facebook Comments