Sekyu, nagsauli ng higit P30K halaga ng gamit sa Parañaque

33

Pinapurihan ang isang security ng Duty Free Philippines matapos magsauli ng mga naiwang pinamili ng customer.

Kinilala ang “honest” sekyu na si Leoncio Laylo, 37-anyos, guard on duty noong February 17.

Salaysay nito 30 minuto ng walang kumukuha o pumapansin sa isang push cart sa parking area ng Duty Free Philippines.

Dito na niya isinauli ang mga naiwang pinamili sa customer relations registrations ng naturang mall.

Nabatid na nagkakahalaga ng 600 USD o P31,200 ang mga items na naiwan ng customer.

Kasunod nito pinapurihan ng pamunuan ng Duty free Philippines si SG Laylo at binigyan ito ng cash at goods.

Hindi rin ito ang unang beses na nagsauli ng naiwang gamit si SG Laylo dahil noong isang taon nagsauli din ito ng 2 branded na polo shirts na nagkakahalaga ng P14,000.

Facebook Comments