Lalaking may 3 Counts Rape, Arestado sa Isabela

33

Cauayan City, Isabela- Bagsak sa kulungan ang isang lalaki na itinuturing na Top 1 Most Wanted Person sa probinsya ng Isabela matapos itong mahuli sa brgy. Lapogan, Tumauini, Isabela.

Kasabay ng unang araw ng taong 2021, hindi nakaligtas sa kamay ng mga alagad ng batas ang akusado na si Garry Astrolimo, 26 taong gulang, may-asawa, magsasaka at residente ng brgy. District 3, Tumauini, Isabela.


Dinakip si Astrolimo sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22 Cabagan, Isabela dahil sa kasong 3 counts na panggagahasa.

Agad na dinala sa Tumauini Police Station ang akusado para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments