Kauna-unahang Urban Vegetable Garden Harvest Festival ng DAR at DA, isasagawa sa Tondo, Maynila

Isasagawa sa January 3 ang kauna-unahang Urban Vegetable Garden Harvest Festival na proyekto ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa pakikipagtulungan sa Department of Agriculture.

Magugunita na noong Oktubre 2020, ginawang urban vegetable garden na pinagtaniman ng iba’t ibang gulay ang nasa 8,000 metro-kwadradong bakanteng football field ng simbahan.

Mismong mga residente ng 17 barangay sa ilalim ng parokya ang nagpaunlad sa proyekto.


Ayon kay DAR Secretary John Castriciones, nagboluntaryo ang mga magsasakang-siyentista sa pagtuturo sa mga benepisyaryo ng Tondo ng tamang paraan ng pagsasagawa ng urban vegetable farming.

Bukod sa pick, harvest at pay activity, magkakaroon din ng paligsahan sa pagluluto, booth ng mga produkto ng magsasaka at raffle na pa-premyo.

Facebook Comments