Lalaking may dalang baril hinuli sa Surigao City

344

Lalaking may dalang baril hinuli sa Surigao City Hinuli ng mga personahe ng Phil Coastguard ang isang lalaki na may dalang baril at bala sa Lipata Port, Surigao City. Kinilala ang suspek na si Ruel Machado Siba, 42 taong gulang, driver at naninirahan sa Brgy. Payatas, Quezon City. Sa inisyal na imbestigasyon ng Phil Coastguard lumalabas na dumating si Siba sakay ng van galing ng Davao City. Boluntaryong isinuko nito ang sarili at ang dalang .45 ng baril kasama ang 18 bala. Ipinakita pa nito ang mga papeles noong dumaan sa checking area at walk-through metal detector ngunit dahil suspendido ang Permit to Carry Firearns Outside of Residence sa Mindanao epekto ng deklarasyon ea Martial Law, hinuli kaagad ito at sinampahan ng kaso sa paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

Sent from my iPhone

Facebook Comments