Lalaking may kanser, nagkitil ng buhay matapos magpositibo sa COVID-19

MANHATTAN, USA – Patay na nang matagpuan sa loob ng ospital ang 66-anyos na lalaking may kanser at nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa report ng mga pulis noong Biyernes, nakabigti na nang makita ang naturang lalaki sa loob ng kanyang kwarto sa NewYork-Presbyterian Hospital bandang 8:40 p.m.

Mayroon umanong throat cancer ang lalaki bago pa man makumpirma na positibo ito sa COVID-19 at noo’y nasa isolation ward ng ospital.


Isinugod ito sa ospital dahil sa pneumonia bago sumailalim sa coronavirus test.

Sinubukan pa raw isalba ng mga nurse ang lalaki ngunit hindi umano sila nagtagumpay.

(Sa mga nakararanas ng depresyon, huwag mag-alinlangang sumangguni sa malalapit na kaibigan at espesyalista.

Maari ring tumawag sa “Hope Line” ng Natasha Goulbourn Foundation na katuwang ng Department of Health (DOH):

(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084)

Facebook Comments