Lalaking may Kaso sa Mallig Isabela, Arestado!

47

Mallig, Isabela – Arestado ang isang lalaki matapos isinilbi ang warrant of arrest nito kahapon sa Brgy. Centro 2, Mallig, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Saturnino Aggabao , Deputy Chief of Police ng PNP Mallig Isabela, sinabi niya na ang akusado ay kinilalang si Rolando Tagudin Orzame, tatlumpu’t anim na taong gulang at residente ng nabanggit na lugar.

Aniya, inihain ni hukom Preciouse Lovely Sales-Jao ng MCTC Mallig-Quezon ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Physical Injuries and Damege to Property ni Orzame.

Dinala na sa Mallig Police Station ang akusado para sa dokumentasyon at upang maiharap ito sa korte.

Samantala, kahapon din ay kaagad na lumabas ang commitment order ng akusado at nakakulong na sa BJMP San Mateo Isabela.

Facebook Comments