Lalaking may Kasong 5 Counts of Statutory Rape, Natimbog sa Santiago City!

246

Jones, Isabela – Arestado ang isang lalaki matapos isilbi ang kanyang Warrant Of Arrest dakong alas dose ng tanghali sa Brgy. Batal, Santiago City.

Kinilala ang naaresto na si Regan Matias Raspado, 30 anyos at residente ng Brgy. Dabubu, San Agustin, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga otoridad si Raspado sa bisa ng mandamiento de arresto na ipinalabas ni hukom Bonifacio T. Ong dahil sa kasong 5 counts of Statutory Rape.

Nasa kustodiya na ng PNP Jones si Raspado bago dalhin sa kanyang court of origin at walang nairekomendang piyansa para sa kanyang kinakaharap na kaso.

Facebook Comments