Lalaking May Kasong Homicide sa Benito Soliven, Arestado!

28

Benito Soliven- Arestado ang isang lalaki matapos mag silbi ng mandamyento de aresto ang panig ng PNP Benito Soliven kahapon sa Barangay Villaluz, Benito Soliven, Isabela/

Kinilala ang akusado na si Melanio Velazco Ortiz Jr., 33 anyos, may-asawa at rersidente sa naturang barangay.

Dinakip ng mga otoridad angakusado sa bisa ng inihaing mandamyento de aresto ni hukom Rodolfo Dizon ng RTC Branch 18, City of Ilagan Isabela sa kasong homicide/

Samantala, agad namang dinala sa himpilan ng PNP Benito Soliven ang akusado para sa dokumentasyon habang pansamantala namang makakalaya ito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng 120, 000 pesos.

Facebook Comments