Lalaking may kasong Pagbabanta, Nadakip sa Ilagan City, Isabela!

*Ilagan City, Isabela*- Natimbog na kaninang umaga, Agosto 10, 2018 ang isang lalaki na may kasong Light Threats sa Brgy. Bliss Village, Ilagan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan sa Isabela Police Provincial Office (IPPO) kinilala ang nadakip na suspek na si Edgardo Geronimo, singkwentay singko anyos, may asawa at residente ng Brgy. Baculod ng City of Ilagan.

Inaresto ng mga kasapi ng PNP Ilagan si Geronimo sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Jeffrey Cabsal ng MTCC 2nd Judicial Regiona, Ilagan City, Isabela dahil sa kaso nitong Light Threats na naihain pa noong August 1, 2018.


Nasa kustodiya na ng PNP Ilagan si Geronimo at pansamantalang makakalaya kung makakapagpiyasa ito halagang limang libong piso.

Facebook Comments