Lalaking Wanted sa Batas, Natimbog Na ng Kapulisan!

*Cabagan, Isabela- *Nasa kamay na ng kapulisan ang lalaking wanted sa batas na may kasong Paglabag sa RA 9262 o “Anti-Violence Against Women and their children Act of 2004” matapos madakip bandang 8:45 ngayong umaga sa Centro, Cabagan, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Reynold Beronilla, kwarentay sais anyos, may asawa at residente ng Brgy. Antagan 2nd, Tumauini, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, dinakip si Beronilla ng mga kasapi ng PNP Cabagan sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22, Cabagan, Isabela dahil sa kaso nitong paglabag sa RA 9262.


Nakapiit na sa PNP Cabagan ang suspek at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang pitumpu’t dalawang libong piso.

Facebook Comments