Lalaking may ‘sakit’ sa pag-iisip, natagpuang patay at may tama ng bala

1223
Courtesy Emma Escano

Ayon sa inang si Julia Canlas, umalis ng kanilang bahay ang biktimang si Reynante Emerson Canlas noong Hulyo 27.

Nalaman ng pamilya na nasa himpilan ng pulisya ang hinahanap na kaanak matapos nila itong ipa-blotter. Subalit ayaw daw sumama ni Reynante nang yayain siya pauwi kaya hinabilin muna siya pansamantala sa mga awtoridad.

Pero pagkaraan ng ilang araw, natagpuan ang lalaki na wala nang buhay sa isang liblib na lugar, kung saan narekober ang ilang basyo ng M16 rifle.

Nang tanungin ni Julia ang mga tauhan ng Candelaria Municipal Police Station kaugnay ng sinapit ng supling ay wala raw silang maisagot. Nangako na lamang sila sa naulilang nanay na iimbestigahan ang naturang insidente.

Dahil dito, dumulog na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kaanak ng biktima para sa agarang hustisya.

Facebook Comments