Lalaking naaktuhang nakipag-sex sa loob ng Comfort Room sa Gov’t. Building sa Surigao City sinampahan na ng kaso

Lalaking naaktuhang nakipag-sex sa loob ng Comfort Room sa Gov’t. Building sa Surigao City sinampahan na ng kaso. Sa nakuhang impormasyon ng RMN, ang legal na asawa ang nagsampa ng kaso, Ito’y sa Violence Against Women and Children ilalim sa psychological and financial abuse. Ang kaso ang isinampa kahapon sa City Prosecutor’s Office at Isa sa posibleng grounds for Annulment ng kanilang kasal. Inamin ng Isa sa mga imbestigador ng PNP Surigao Del Norte na dinala nila kahapon ang lalaki sa isang ospital dito sa lunsod dahil sa hindi makahinga ngunit nang isailalim sa iba’t ibang test, normal naman lahat kaya ibinalik din sa detention cell. Dagdag pa nito, hindi na isinali ang babaeng kasama nito sa loob ng CR sa pagsasampa ng kaso kaya pinakawalan din kaagad.

Facebook Comments