Lalaking nag eskandalo, arestado matapos mahulihan ng baril

7

Malay, Aklan – Arestado ang isang lalaking nag eskandalo matapos mahulihan ng baril kahapon sa Sitio Cagban, Brgy. Manocmanoc, Boracay, Malay, Aklan.
Kinilala ang suspek na si Pamfilo Costudio, 40-anyos at residente ng nasabing lugar.
Base sa report ng Bocaray Police na nakatanggap sila ng tawag galing sa isang concerned citizen na merong nag eeskandalo sa lugar at may dala itong baril.
Agad nilang tinawagan ang mga kasamahan na nagsasagawa ng roving patrol at rumisponde sa area.
Pagdating nila ay nakita agad na nakalabas sa baywang ng suspek ang handle ng baril.
Kinausap ito ng pulis na kung pwede ay mag surrender na lang sa kanila at sumunod naman ang suspek.
Na-recover sa kanya ang isang 38 caliber na walang serial number at loaded ng anim na bala.
Sa ngayon ay kulong sa lock up cell ng Malay PNP ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearm Law.

Facebook Comments