Lalaking nag-propose sa girlfriend sa kalagitnaan ng graduation nito, viral

Image via The Independent

Binatikos ng mga netizen ang lalaking nag-propose sa girlfriend sa kalagitnaan ng pag-akyat sa stage nito sa isang unibersidad sa Colchester, United Kingdom.

Kinilala ang babae na si Agne Banuskevicute, 25 anyos, nakapagtapos ng masters sa English language and Applied Linguistics sa University of Essex.

Sa pagtawag ng pangalan sa stage habang nakikipagkamay sa mga professor at opisyal ng unibersidad, umakyat ang boyfriend niya at lumuhod upang hingin ang kaniyang kamay.


Nagulat si Agne sa ginawa ng boyfriend na kasintahan niya sa loob ng siyam na taon.

Ibinahagi ng unibersidad ang proposal na nangyari ngunit umani naman ito ng batikos mula sa feminist.

Ani ng mga feminist, “egotism” ang ginawa ng boyfriend ni Agne.

Binura rin ng unibersidad ang post dahil sa kritisismo.

Ayon sa isang netizen, “Imagine being a man and feeling so threatened by a woman’s intellectual success that you *have* to force her to frame her identity/agency in relation to *you* on the very day she is being celebrated for her intellect.”

Facebook Comments