Lalaking nag-volunteer para magbantay sa lugar, pinatay ng riding-in-tandem

2509
Representation photo from Unsplash

QUEZON CITY – Sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine, isang lalaking volunteer na nagbabantay sa kanilang barangay ang pinaslang ng riding in tandem nitong Miyerkoles ng gabi.

Naka-poste ang biktimang si Ronaldo Cumayas sa Dove Street, Barangay Bagong Silangan nang pagbababarilin ng mga suspek.


Base sa salaysay ng isang testigo, nakasuot daw ng bonnet ang apat na lalaking nakasakay sa dalawang motorsiklo.

Dead on the spot ang biktima habang sugatan naman ang binatang kasama niya na tinamaan sa braso.

Ayon kay Victoria Cumayas, nanay ng nasawi, nagbabantay ang kaniyang anak tuwing gabi para masigurong walang papasok sa lugar nila.

Dagdag pa niya, isang linggo na raw itong ginagawa ng supling.

Palaisipan pa rin sa naulilang pamilya kung ano ang motibo sa pagpatay sa biktima.




Tinutugis ngayon ng pulisya ang mga salaring nakatakas at inaalam na rin kung paano sila nakalusot sa checkpoint.

Facebook Comments