Lalaking nagnakaw ng credit cards, nakilala sa suot nitong nametag

49
Image via Placer County Sheriff's Office

Inaresto si Chris Thomason, suspek ng pagnanakaw ng credit cards, matapos makilala ang mukha nito sa isang surveillance footage sa California.

Makikita sa CCTV si Chris na kumpleto ang uniporme at may nametag sa kaniyang dibidib kaya’t madaling nahuli ng mga pulis nitong Hulyo 8.


Ayon sa Facebook post ng Placer County Sheriff’s Office, nakilala ang kaniyang identipikasyon dahil sa social media sa loob lamang ng 20 minuto.

Nagnakaw siya ng credit cards noong Marso at ngayon lamang nahuli dahil sa hiatus nito. Humaharap siya ngayon ng tatlong taon na pagkakakulong na may $10,000 na fine o P510,900.

Noong 2008 naman, isang lalaki ang nagbigay ng phone number sa mga empleyado ng muffle shop na kaniyang nanakawan. Tawagan daw siya sakaling bukas at marami nang laman ang pinagkukunan at lagayan ng pera.

Facebook Comments

From Advertisers