TINGNAN: Higanteng tilapia nabingwit sa Estero de San Miguel

2515
Courtesy Facebook/Pasig River Rehabilitation Commission

Isang malaking tilapia na singlaki at singtaba ng braso ng tao ang nahuli umano sa Estero de San Miguel sa Maynila nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC), nakuha ng mga binansagang “River Warriors” ang dambuhalang isda.

Ang higanteng tilapia ay may timbang na tatlong kilo at haba na 20.5 pulgada.


Bahagi ng Pasig River ang nasabing estero na dating mabaho at marumi pero tuluyang nalinis noong 2018.

Anang PRRC, maituturing itong positibong pagbabago dahil sa sanib-puwersang tulungan ng taumbayan para muling buhayin ang mga ilog sa bansa.

Hiling nila sa publiko, ipagpatuloy ang mabubuting gawain at siguradong magbibigay ng biyaya si Inang Kalikasan.

Facebook Comments

From Advertisers