MALAKING TULONG | Albayalde bilang PNP Chief at QCPD Director Eleazar bilang NCRPO chief, perfect tandem sa Metro Manila ayon sa VACC

363

Manila, Philippines – Naniniwala ang Volunteers Against and Crime and Corruptions (VACC) na malaking tulong sa Metro Manila na mabawasan ang kriminalidad sa tandem nina incoming PNP Chief at ngayon NCRPO Oscar Albayalde at QCPD District Director Guillermo Eleazar.

Ayon kay VACC lawyer Manny Luna, kung maupo bilang PNP Chief si Albayalde at maging NCRPO Chief naman si General Eleazar, magsasama ang disiplina at may pusong PNP.


Paliwanag ni Atty. Luna, malaking tulong sa buong bansa ang pagiging disiplinado ni Albayalde para lubos na mapatino ang mga pulis, habang ang istrikto pero madaling kausap ni Elezear ang magbibigay magandang positibo sa publiko na huwag matakot sa pulis.

Pinuri din ng VACC ang malaking binababa ng bilang ng mga krimen sa buong Quezon City at maging ang hightech na operation center ng QCPD na may CCTV sa buong syudad.

Naniniwala si Atty. Luna kung mailalagay bilang NCRPO Chief si Eleazar maituturing umanong perfect tandem laban sa kriminalidad.

Facebook Comments