Lalaking Nagnakaw sa Junkshop, Arestado!

25

*Santiago City- *Arestado ang isang lalaki matapos magnakaw ng iba’t-ibang uri ng metal sa isang junkshop sa brgy. Sinsayon, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si Danny Padua, 52 anyos, at residente ng brgy. Batal, Santiago City.

Batay sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan, nakita umano ito ng kanyang katrabaho na si Orlando Marcelino, 52 anyos, may asawa, isang drayber na sakay ang bisikleta nitong may sidecar na may lamang dalawang sako.

Kinausap umano ni Marcelino ang suspek hinggil sa nakita nitong dala-dalang sako na naglalaman ng mga metal hanggang sa napag-alaman na ninakaw ito ng suspek.

Umamin naman ang suspek na ninakaw nya sa pinagtratrabahuang junkshop ang dala-dalang mga metal kung saan nakuha mula sa pag-iingat nito ang 22 kgs. ng aluminum, 3kilos ng tanso, at 15 kilos na bakal.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at nakatakda itong masampahan ng kasong Pagnanakaw.

Facebook Comments