Lalaking nagnakaw umano ng panty, patay sa bugbog sa Bohol

270

Nasawi sa bugbog ang isang lalaki sa Tagbilaran City, Bohol matapos magnakaw umano ng panty, Martes, Hulyo 30.

Tinukoy ng pulisya ang biktima na si Jesse Chan Romorosa, 39, mula sa Antequera, na naki-piyesta sa bahay ng suspek noong araw ng insidente.


Nang malasing sa inuman, hinataw sa ulo at binugbog ng may-ari ng bahay na si Jestoni Daño, 28, si Romorosa matapos malamang kumuha ito ng nakasampay na panty.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nadiskubre ang dalawang panty sa loob ng brief ng biktima.

Agad na tumakas si Daño na sinubukan pa umanong pigilan ng ama.

Pinaghahanap na ng awtoridad ang suspek.

Facebook Comments

From Advertisers