“I gave him a chance”: Baron at fiancée na si Jamie kinuwento ang love story nila

8246
Screenshot via ABS-CBN Magandang Buhay

Sa programang “Magandang Buhay” nitong Miyerkules, ibinahagi ni Baron Geisler at fiancée na si Jamie Marie Evangelista ang kuwento ng kanilang love story.

Ayon kay Baron, nakilala niya si Jamie nang ipasok siya sa isang rehabilitation center sa Cebu. Aminado itong na-‘love at first sight’ at madalas magpapansin sa dalaga para mapukaw ang atensyon nito.


Nang sagutin siya ni Jamie noong Setyembre 2018, inakala ni Baron na mas mauunang ma-inlove ng todo ang nobya.

“Pero ang nangyari nagkabaligtad, ako ‘yung sobra-sobrang na-in love na hindi puwede ‘yung isang araw na hindi ko siya makausap o makita. Ang problema lang, mayroon akong attachment problems, needy minsan,” pahayag ng aktor.

Lingid sa kaalaman ng nakararami, naka-base sa Cebu ang girlfriend nitong psychologist habang nagtratrabaho sa Maynila si Baron.

Gayunpaman, ginawa nila ang lahat para tumatag ang kanilang relasyon kahit malayo sila sa isa’t-isa.

Pagtitiyak ni Jamie, hindi siya mawawala sa tabi ng kasintahan anuman mangyari.

“Yung reminders ko sa kanya ay behavior lang, ‘yung attitude mo towards everyone, kalma lang and everything,” dagdag pa ng Cebuana fiancée.

Sa kabila ng mga pinagdaanan at ginawa ni Baron sa buhay, minahal niya ito ng buong-buo.

“Ako, I didn’t judge him sa past niya. Binigyan ko siya ng chance and I figured out na hindi siya shallow, matalino pala itong taong ito, he is interesting to talk to, like hindi siya mababaw,” saad pa nito.

Hulyo 14 ng kasalukuyang taon nang mag-propose si Geisler kay Evangelista sa Maayo San Remigio, Cebu.

 

Facebook Comments