Lalaking Nagpakilalang NPA, Arestado sa Pangingikil!

Naguilian, Isabela – Nahaharap sa patung-patong na kaso ang isang magsasaka matapos mangikil ng isang lalaki dakong alas dyes kaninang umaga, Enero 27, 2019 sa Brgy. Zone 1, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Fernando H. Gannaban, 39 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Gangalan, San Mariano, Isabela habang kinilala naman ang biktima na si Julius Agpoon Baltero, 46 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Villapaz, Naguilian, Isabela.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9516 o Illegal Possession of Explosives, kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at kasong Extortion si Gannaban.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga otoridad ang suspek matapos makatanggap ng ulat ang PNP Naguilian na ang nagpakilalang miyembro ng CPP-NPA sa pangalang ”Ka Frank” ay nangingikil umano ng P150,000.00 kay Baltero.
Agad namang nagsagawa ng operasyon ang PNP Naguilian katuwang ng PNP San Mariano na humantong sa pagkahuli ni Gannaban.

Narekober naman mula sa suspek ang isang hand grenade, isang pakete ng marijuana, isang unit ng cellphone na may simcard, pera na nagkakahalaga ng isang libong piso at 68 piraso ng pekeng 500 pesos na ginamit bilang boodle money.

Nasa himpilan na ng PNP Naguilian si Gannaban para sa kaukulang disposisyon habang patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa pangyayari.

Facebook Comments