LALAKING NAGPANGGAP BILANG PULIS, INARESTO NG PNP BAGABAG

CAUAYAN CITY – Arestado ang isang lalaki na nagpanggap bilang pulis sa Purok 4, Barangay Tuao North, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Ayon sa pulisya, naaresto ang suspek na kinilalang si alyas “RC”, 31-anyos, at residente ng Macabebe, Pampanga, matapos itong ireklamo ng biktimang ni alyas “Jaja”, 33-anyos, at nakatira rin sa nabanggit na lugar.

Sa pahayag ng biktima, nagpakilala umano ang suspek sa kanyang bilang tauhan ng PNP Special Action Force (SAF) at nagpakita pa umano ito ng PNP ID upang makahiram ng pera.


Matapos ang ginawang pag-uusap ay inamin rin ng suspek na hindi talaga siya tunay na pulis dahilan ng kanyang pagkakaaresto.

Dinala ang suspek at ang nakuhang PNP ID sa himpilang ng Bagabag Police Station (PS) para sa dokumentasyon at mahaharap sa kasong paglabag sa Article 177 ng Revised Penal Code (RPC) para sa Usurpation of Authority.

Facebook Comments