Lalaking nagpanggap na taga-media, arestado sa Naga City

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos magpanggap na miyembro ng media sa Naga City.
 
Kinilala ang suspek na si Gestoni Morales alyas George Mendoza na nagpakilalang isang area marketing manager.
 
Ayon kay Romar Vasquez, chairman ng Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas (KBP) Camarines Sur Chapter, modus ng suspek na manghingi ng solicitation sa ilang mga ahensya ng pamahalaan at mga establisiyemento para sa isang misa na ila-live umano niya sa radio station.
 
Naaresto na rin aniya ang suspek noong taong 2009 sa bayan ng bombon dahil sa kaparehong iligal na gawain.
 

Facebook Comments