Distributor ng droga sa Cagayan de Oro at Misamis Oriental, arestado

Manila, Philippines – Naaresto na ng mga otoridad ang mga suspek na distributor ng droga sa Cagayan de Oro at Misamis Oriental.
 
Kinilala ni agent ben calibre ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Northern Mindanao ang mag-amanag suspek na sina Dixon Sambaan at Val Oneil, residente ng Puntod Village Misamis Oriental.
 
Maliban sa mag-ama, naaresto rin ang kanilang mga kasamahan na sina Mcdowell Eballe, Fernando Bomotano, at Fernan Macariola.
 
Nabatid na ang nakakatandang Sambaan ay kasama sa drug watch list ng PDEA at pulsiya.
 
Nakuha sa mga suspek ang P100,000 halaga ng shabu, mga drug paraphernalia, 45 caliber pistol na pag-aari ng nakakatandang Sambaan, at 9mm revolver na nasa pag-aalaga naman ng nakakabatang Sambaan.
 
Bukod sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act, kakasuhan rin mag-ama ng illegal possession of firearms and ammunition.

Facebook Comments