Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang nakasalamuhang nagpositibo ng monkeypox ang isang Pilipinong nagpositibo ng naturang sakit sa Singapore.
Ayon kay DFA Spokesperson Maria Teresita Daza, maayos na ang kalagayan ng 31-anyos na Pilipinong na nagpositibo ng monkeypox noong July 25 sa Singapore.
Paliwanag pa ni Daza na patuloy na minomonitor ng Philippine Embassy sa Singapore ang naturang kaso.
Base sa ulat ng Ministry of Health ng Singapore, nagkaroon ng lagnat noong Hulyo 21 ang naturang 31 taong gulang na Pilipino at nagkaroon din ng pantal sa kanyang mukha at iba pang bahagi ng katawan.
Facebook Comments