Isang hinihinalaang drug pusher, arestado sa Las Piñas City

50

Kalaboso ang isang hinihinalaang tulak sa iligal na droga makaraang maaresto sa isinagawang buybust operation ng mga operatiba ng Las Piñas City Police Station Drug Enforcement Unit sa Basa Compound Brgy. Zapote, Las Piñas City.

Kinilala ang suspek na si Judil Rayo, 39 anyos residente ng 153 Vergara Compound Brgy. Zapote Las Piñas City.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Las Piñas City Police, nagsagawa ng buybust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Las Piñas City Police Station sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa nasabing suspek.


Narekober sa suspek ang 63 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P428,400.00 at isang P500 na tunay na pera at 19 pirasong boodle money na ginamit sa buybust operation.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa suspek.

Facebook Comments