Lalaking Nagtago sa Batas sa Ilagan Isabela, Naaresto ng PNP Ramon!

Ramon, Isabela – Naaresto ng mga otoridad ng Ramon Isabela kaninang madaling araw ang lalaking nagtago sa batas dahil sa kasong kinasangkutan nito sa City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Darwin Reyes, tatlumpu’t tatlong taong gulang, may asawa at residente ng Purok 5, Brgy. Buggallon Norte, Ramon, Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon ng PNP Ramon, nahuli si Reyes dahil sa isinilbing warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Isaac De Alban ng RTC, 2 nd Judicial Region Branch 16 ng City of Ilagan Isabela.


Si Darwin Reyes ay may kasong robbery at makakalaya lamang kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng isang daang libong piso (Php100,000.00).

Sumailalim na ngayong araw sa medical examination si Reyes bago ilipat sa court of origin nito.

Facebook Comments