Magsasaka na May Kasong Robbery sa Cauayan City, Arestado!

Cabatuan, Isabela Arestado kaninang umaga ang isang magsasaka dahil sa kasong robbery sa Sitio San Carlos, Brgy. Rang-ay, Cabatuan Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa tanggapan ng Cabatuan Police Station, kinilala ang akusado na si Noel Bautista, tatlumpung taong gulang, binata at residente ng nabanggit na lugar.

Si Bautista ay nahuli dahil sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Raul Babaran ng RTC Branch 19, Cauayan City Isabela.


Nasa himpilan na ng Cabatuan Police Station si Bautista para sa dokumentasyon bago ito ilipat sa court of origin.

Facebook Comments