Lalaking nagwala, patay matapos na barilin sa QC

Manila, Philippines –  Patay ang isang lalaking nag amok matapospagbabarilin sa Blk 7 extension Lupang Pangako, Brgy. Payatas, Quezon City.

 
Dead on the spot ang 29-anyos na biktimang si MarkAnthony Cababanua malapit lamang sa kanyang tahanan.

 
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang krimen ay nag-aamok ang biktima dahilsiya ang itinuturong suspek sa serye ng nakawan sa kanilang lugar.


 
Binabato pa umano ng biktima ang bubong ng kaniyangkapitbahay at saka niya ito pinagmumura. Ngunit makaraan ang ilang minuto aynakarinig na lamang ang mga kapitbahay nito ng isang putok ng baril at tumambadna ang duguang bangkay ng biktima.

 
Hindi pa tukoy ng awtoridad ang pagkakakilanlan ngsuspek  dahil wala umanong nakakita ayonsa mga kapitbahay.

 
Nakuhahan ang biktima ng apat na magkakaibang cellphonesna posible umanong pagmamay-ari ng ibang tao.

 
Nalamang may record na rin sa pulisya ang biktima dahilumano sa pananakot at panggugulo sa lugar.

Facebook Comments