Manila, Philippines – Naaresto na ang isang lalaking nag-amok at nanagasa ng mga pulis at miyembro ng media sa loob ng Manila Police District Headquarter.
Ayon kay MPD Spokesperson Erwin Margarejo, nagpakita ng ID ang suspek na si Arvin Tan at nagpakilala na empleyado ng gobyenro.
Ayon naman kay Chief Insp. Joey De Ocampo ng MPD-General Assignment and Investigation Section, bago pa man mag-amok si TAN ay nakasagutan muna nito ang mga taupan ng MPD station 8 matapos siyang masita sa checkpoint.
Bukod rito, naggulo pa siya sa isang establisyimento.
Kinumpirma naman ng tauhan ng MPD na narekober rin sa bahay ni Tan ang drug paraphernalia.
Hinimok din ng MPD ang mga miyembro ng media at iba pang nadamay sa pag-aamok ng lalaki na magsampa ng kaso laban kay Tan.
Kasalukuyang nakakulong si Tan sa MPD at nahaharap sa mga kasong malicious mischief, direct assault, resistance and disobedience to lawful authority, grave threat, alarm and scandal, unjust vexation at reckless imprudence resulting in damage to property.