Lalaking Nahulian ng Marijuana sa Gamu, Isabela, Arestado!

Gamu, Isabela- Arestado ang isang lalaki matapos mahulian ng anim na raang gramo ng Marijuana sa isinagawang buy bust operation ng pinagsanib pwersang PNP Gamu at PDEA RO2 sa Barangay District 3, Gamu, Isabela kahapon, Hulyo 21, 2018.

Kinilala ang nadakip na si Joe Steve Preza, 29 anyos, Caretaker ng isang Piggery at residente sa naturang barangay.

Batay sa ipinarating na impormasyon ng Isabela Police Provincial Office sa RMN Cauayan, nadakip umano si Preza sa isinagawang buy bust operation kung saan ay nakuha mula sa kanyang pag-iingat ang 600 grams na Marijuana, isang piraso ng genuine 1,000 pesos, 7 piraso ng 1,000 pesos na boodle money, isang unit ng Caliber 38 na may tatlong bala at isang pang basyo ng bala.


Agad namang dinala sa kustodiya ng pulisya si Preza matapos itong madakip para sa kanyang kaukulang kaparusahan.

Facebook Comments