Tondo, Manila – Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng granada at baril sa Chesa St. Tondo Manila.
Kinilala ang suspek na is Rolando Villanueva alyas ‘’Nognog’, 25-anyos at miyembro ng grupong Batang City Jail.
Ayon sa paunang ulat, rumesponde ang pulisya sa loob ng isang computer shop sa nasabing lugar matapos makatanggap ng tawag mula sa concerned citizen.
Dito nakita ng pulis na naglalaro ng computer game si Villanueva at agad na kinapkapan.
Narekober sa suspek ang isang 9mm na baril, walong live ammunition at isang hand grenade.
Wala namang maipakitang legal na papel ang suspek dahilan kaya ito naaresto at mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Facebook Comments