Lalaking nakadiskubre ng frozen baby sa bahay ng nanay, naniniwalang kapatid niya ito

Isang lalaki sa Missouri, United States ang nakadiskubre ng “mummified” baby habang nililinis ang freezer sa apartment ng yumaong ina, ayon sa ulat ng KSDK, Hulyo 29.

Naniniwala ang 37-anyos na si Adam Smith na ang nakita niyang frozen baby ay nakatatanda niyang kapatid na namatay bago pa man siya ipanganak.

Kamakailan lang nang lumipat siya sa apartment ng kanyang nanay matapos itong mamatay dahil sa cancer, nakaraang buwan.


Habang nagliligpit ng mga naiwang gamit ng ina, ikinagulat niya ang nakitang kahon sa freezer na may lamang baby na ibinalot sa pink na tela.

“I’m 37 and it has been in my freezer for 37 years and I was always told it was like a wedding cake topping,” ani Smith sa KSDK-TV.

“It still had skin, hair and everything, it was mummified,” Smith said in the report. “After that, I just freaked out. I put it back into the box and I called police right away.”

Kuwento ni Smith, tuwing lilipat ng bahay ang ina ay dala-dala nito lagi ang kahon na sinasabi sa kaniyang wedding cake lang ang laman.

Naalala niya rin daw na minsang naikuwento ng ina na mayroon siyang nakatatandang kapatid na namatay bago pa man siya isilang.

“We’re saying what, 46 or 47 [years], that’s how long, I assume it’s my sister, it’s been in a box, in a freezer for this long,” aniya.

“Finding this, I’m more confused, angry and I just wanna find closure, I wanna know more answers,” dagdag ni Smith.

Nagbigay ng DNA sample si Smith sa awtoridad para sa isinasagawang imbestigasyon.

Facebook Comments