Nasawi ang isang lalaki matapos itong aksidenteng masagasaan ng backhoe sa Mabini Pangasinan.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Mabini Police Station Officer in Charge, PMAJ JADE DC MACARAEG, ito ay matapos ilipat ng backhoe operator sa kabilang bahagi ng ilog upang magkarga ng bato.
Ani Macaraeg, inaresto ang suspek sa araw ng insidente, at kalauna’y nagkaroon na ng inisyal na kasunduan ang pamilya ng biktima na huwag nang kasuhan ang suspek.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, nasa impluwensya ng alak ang biktima upang matulog nang mangyari ang insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









