Lalaking nakakapagpagaling umano ng COVID-19 sa pamamagitan ng halik, pumanaw sa virus

Isang lalaki sa Madhya Pradesh, India na gumagamit daw ng “itim na mahika” at nakakagamot ng COVID-19 sa pamamagitan ng halik, ang namatay sa mismong sakit noong Hunyo 4.

Sinabi ng kinilalang “Aslam Baba” na nakakapagpagaling ang paghalik niya sa kamay ng may coronavirus, ayon sa ulat ng The Print.

Matapos mapag-alaman noong Hunyo 3 na positibo ang Baba sa virus, binalak pa umano ng pulisya na kasuhan ito ng paglabag sa lockdown dahil sa dami ng nagtipon sa kanyang lugar, ngunit agad itong namatay kinabukasan.


Sa isinagawang contact-tracing, nasa 50 katao umano ang nahanap na nakasalamuha ng manggagamot, batay kay Ratlam police superintendent Gaurav Tiwari.

Nasa 24 indibidwal naman ang nakumpirmang positibo na posibleng nahawa sa Baba.

Naka-quarantine na rin ang nasa 150 residente ng Nayapura, lugar kung saan nakatira ang Baba, na idineklara na ring containment zone.

Mayroon nang 85 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Ratlam district, 44 dito ang gumaling, habang apat naman ang namatay.

Facebook Comments