Mahigit 100 na mga empleyado na kontraktwal ng Pasig City Hall, na-regular na

Pinirmahan na ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang appointment papers ng mahigit 100 mga contractual employee ng Pasig City Hall kasabay ng kanyang ika-31 taong kaarawan.

Ayon kay Mayor Sotto, kabuuang 263 ang bilang ng Local Government Staff at workers ang na-regular na simula pa noong January 2020.

Paliwanag ng alkalde, kabilang sa mga manggagawang naging regular ay mga streetsweeper at engineering aide na nananatiling contractual sa Pasig City Government ng mahigit 20 taon.


Natutuwa umano si Sotto dahil wala nang naiwan na kontraktwal na mga empleyado ng Pasig City Hall ng mahigit 20 taon nang nasa serbisyo.

Una rito sinabihan ni Sotto ang kanyang mga staff na huwag magsagawa ng surprise birthday party para sa kanya upang mapanatili ang pagsunod nila sa social distancing.

Hinikayat din ng alkalde ang mga netizen na nagpaplano na bigyan siya ng regalo sa kanyang kaarawan na mag-donate na lang ng food packs dahil ito ang kailangan ng tao ngayong nararanasang natin COVID-19 pandemic.

Facebook Comments