Lalaking nakalabas ng kulungan, muling pumatay makalipas ang 2 taon

371
(Unsplash)

LOS ANGELES, California – Muling inaresto ang isang lalaki matapos niyang ulitin ang pagpatay nang makalabas siya ng bilangguan sa loob ng 30 taong pagkakakulong.

Ayon sa awtoridad, napalabas ng kulungan ang suspek na si Timothy Chavira, 56, matapos mahuli noong 1987 sa kasong pagpatay sa kanyang stepmother at nanatili ng 30 taon.

Nitong nakaraang Disyembre 18, muling inaresto ang suspek matapos niyang patayin si Cruz de Leon, isang retiradong obstetrician noong Disyembre 7.

Sinasabing isang matalas na bagay ang ginamit sa pagpatay kay de Leon sa loob ng kanyang bahay.

Hindi pa inilalabas ng pulisya ang tunay na dahilan kung bakit nagawa ng suspek ang krimen, ngunit naiulat na galit ang naging dahilan ni Chavira nang patayin niya ang kanyang stepmother makalipas ang ilang taon.

Haharap sa korte ang suspek sa darating na Marso ayon sa district attorney’s office.

Facebook Comments