24 anyos na Binata, Arestado matapos Silbihan ng Warrant of Arrest

64

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang isang binata matapos isilbi ng mga awtoridad ang mandamiento de aresto nito sa Brgy. Laoag, San Agustin, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Richard Peralta, 24 anyos at residente sa nasabing lugar.


Batay sa imbestigasyon ng PNP San Agustin, dinakip ang binata sa bisa ng warrant of arrest nito na ipinalabas ni kagalang galang hukom Heherson Casareno ng 15th MCTC Jones-San Agustin Isabela para sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Slight Physical Injuries.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapagpiyansa ng nagkakahalagang P60,000.00.

Nananatili naman sa kustodiya ng pulisya ang binata para harapin ang kaso laban dito.

Facebook Comments