Lalaki, nakapagmaneho pa patungong ospital matapos mabaril sa ulo

CHICAGO – Nagawa pang makapagmaneho papuntang ospital ang isang 28-anyos lalaki matapos itong mabaril sa ulo.

Ayon sa Chicago police, nakarating ang hindi pinangalanang lalaki sa Stroger Hospital noong madaling araw ng Linggo at mayroong tama ng bala ng baril sa kanyang ulo.

Dagdag ng pulisya, ang biktima ay maaaring nasa kalagitnaan noon nang pagmamaneho sa kahabaan ng W.Ogden Avenue, isang milya ang layo mula sa ospital nang mangyari ang insidente.


Bagaman may tama ng bala sa ulo, hindi naman malinaw dito kung saan eksaktong nangyari ang pamamaril.

Kasalukuyan na ring nagpapagamot ang lalaki sa nasabing ospital nagtamo umano ng  malubhang kondisyon.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nangyari.

Facebook Comments