Pagsisimula ng NSPC sa Cagayan Valley, Hinigpitan sa kabila ng banta ng COVID-19

*Cauayan City, Isabela*- Mahigpit ang ginagawang preventive measure ng Department of Education Region 2 at Lokal na Pamahalaan ng Tuguegarao sa mga delegado laban sa banta ng coronavirus o covid-19 sa pag uumpisa ng National Schools Press Conference sa Tuguegarao City.

Una rito, isinailalim ang lahat ng delegado sa thermal scanning para matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

Ayon kay City Mayor Jefferson Soriano, una ng kinansela ang grand parade na tinatayang nasa mahigit isanlibong delegado ang makikilahok mula sa iba’t ibang paaralan sa bansa.


Kaugnay nito ay nasa 50 delegado sa bawat rehiyon ang pinayagan lamang na makapasok sa opening ceremony sa Cagayan Gynmasium.

Sinabi pa ni Mayor Soriano na isang upuan ang pagitan ng mga delegado sa pag upo sa naturang programa bilang bahagi ng precautionary measure na inilatag ng DepED.

Matatandaang nakapagtala ang Cagayan valley ng mahigit sa 30 patient under investigation ng covid-19 bagama’t nagnegatibo naman ang mga ito sa pagsusuri.

Facebook Comments