Lalaking nakarinig ng ‘bulong’, pinatay sa taga ang sariling ina

1701
Stock image from Unsplash

Karumal-dumal ang sinapit ng 70-anyos na babae sa San Ramon East, Manabo, Abra sa kamay mismo ng anak na umano’y maysakit sa pag-iisip.


Batay sa imbestigasyon ng Manabo Municipal Police Station, walang habas na tinaga ng suspek sa balikat at batok ang biktimang si Leonida Miguel.

Naisugod pa sa pagamutan ang matandang babae pero idineklara siyang dead on arrival.

Nangyari ang krimen habang nagsasampay ng nilabhang damit noong Lunes ng hapon.

Kaagad naman naaresto ang salarin na kinilalang si Ramos Carpio Miguel, 35-anyos. Depensa ng suspek, may bumulong sa kaniya na tagain ang sariling ina.

Nasa kostudiya siya ngayon ng pulisya at nakatakdang sumailalim sa psychiatric examination para mapatunayan kung totoong may problema sa pag-iisip.

Facebook Comments