Lalaking Naki-birthday, Sinaksak!

Reina Mercedes, Isabela – Isang lalaki ang sinaksak matapos maki-birthday sa Barangay Santor, reina Mercedes kamakailan.

Kinilala ang biktima na si Mark Antony Bello, bente nuebe anyos, may asawa, isang security guard at residente ng Barangay Furao, Gamu, Isabela samantalang kinilala naman ang suspek na si Ireneo Baua, trentay syete anyos, may asawa, welder at residente sa nasabing lugar.

Batay sa pangyayari, mabilisan umano na umuwi ang suspek upang kumuha ng kutsilyo at pabalik ay sinaksak si Bello sa kanyang balikat.


Agad namang isinugud sa Isabela United Doctor Medical Center o IUDMC ang biktima para sa agarang lunas samantalang dinala naman ng mga pulis ang suspek sa kanilang himpilan para sa imbestigasyon at kaukulang disposisyon.

Facebook Comments